Dahil 15 days na lang at Pasko na, kung saan kaliwa’t kanan ang mga handaan at reunions.
Naglabas ang Department of Health (DOH) ng mga paalala upang kahit na nagsasaya ang lahat sa panahon ng Kapaskuhan ay nasusunod parin ang health protocols dahil nananatili parin ang banta ng COVID-19.
Sa presscon sa Malakanyang sinabi ni DOH Director Dr. Beverky Ho na dapat sundin parin ang venue capacity sa bawat Christmas gathering.
Dahil nasa Alert Level 2 ang karamihan sa lugar sa bansa 50% para sa indoor at 70% naman sa outdoor venue capacity.
Dapat din aniyang fully vaccinated lamang ang dadalo maging ang mga bata upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.
Mas maganda rin kung outdoor para maganda ang air circulation, kung indoor naman dapat mayroong proper ventilation o buksan ang mga bintana at pinto.
Dapat palaging suot ang face mask at hubarin lamang kapag kakain.
Iwasan din ang mga palaro na nangangailangan ng close contact interaction at mas maganda kung naka-pack na ang pagkain at iwasan ang buffet style.
Paalala pa ni Dok Ho na palagiang maghugas ng kamay o alcohol at i-sanitize ang buong paligid.