Mahigit 3.5 million doses ng Moderna at AstraZeneca vaccines, dumating sa bansa

Karagdagang 2,948,000 doses ng Moderna at 698,600 doses ng AstraZeneca vaccines ang dumating sa bansa ngayong araw

Ang 698,600 doses ng AstraZeneca ay binili ng private sector.

Ang 2,102,000 doses naman ng Moderna vaccines ay binili ng pamahalaan ng Pilipinas.


Habang ang 649,600 doses ng Moderna ay binili naman ng private sector.

Kabilang sa mga sumalubong sa pagdating ng bakuna ang ilang kinatawan mula sa Zuellig Pharma, USAID at ilang opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas.

Facebook Comments