DOH, nagpaalala na bawal iturok ang Sputnik V vaccine sa mga buntis

Nagpaalala ang Department of Health (DOH) na maaring magpabakuna kontra COVID-19 ang mga buntis at nagpapasuso.

Pero ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, ang Sputnik V vaccine ay hindi maaring iturok sa kanila dahil mayroon itong kontra indikasyon sa mga nanay na nagpapasuso o mga buntis.

Aniya, nakalagay naman sa Emergency Use Authorization (EUA) ng FDA ang contraindications tulad nang sa mga buntis at lactating women.


Maaari naman aniyang ibakuna sa mga buntis at mga nagpapasuso ang ibang brand ng bakuna na mayroon sa bansa.

Facebook Comments