DOH, nagpaliwanag kung bakit binago ang ilang pamantayan sa pagtatakda ng alert level classification

Mindset patungo sa new normal at pamumuhay na kasama ang virus at hindi lamang puro numero ng kaso ng COVID-19 ang tinitingnan.

Ito ang paliwanag ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire kung bakit kinailangan nilang baguhin ang mga pamantayan sa pagtatakda ng alert level classification.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Vergeire na kinailangan nilang tanggalin na sa pamantayan ang 2-week growth rate dahil bagama’t may nakikitang bahagyang pagtaas ngayon sa mga kaso ay hindi naman ito masyadong mabilis kaya naman hindi na aniya sensitive ang 2-week growth rate.


Sa ngayon, mas binibigyang pansin ang healthcare utilization rate.

Ibig sabihin kahit tumataas pa ang mga kaso, basta less than 50% ang naoospital, hindi kailangang magtaas ng alert level classification.

Facebook Comments