DTI Region 2, Nasungkit ang Highest Audit Rating ng COA

31
Cauayan City, Isabela- Nakakuha ng highest audit rating ang Department of Trade and Industry (DTI) Region 2 mula sa Commision on Audit (COA) para sa fiscal year 2021.

Ito na ang ikatlong taon na ang COA ay nagbigay ng unqualified opinion, kung saan ito ang best opinion na natatanggap ng isang ahensya ng gobyerno para sa financial report noon pang 2019.

Ayon kay DTI Region 2 Director Leah Pulido Ocampo, simula pa noong unang araw ay nagbigay na ito ng kautusan na dapat ay laging maging transparent,patas,totoo at prudent sa lahat ng transaksyon.

Nagpaabot naman si Ocampo ng pasasalamat sa lahat ng empleyado ng ahensya sa pagbibigay ng serbisyo publiko.

Sa isang liham, sinabi ng COA na ang audit evidence ay nakuha na “sufficient and appropriate para makapagbigay ng sapat na basehan.

Facebook Comments