19 Barangay sa Cagayan, Drug Cleared- PDEA

29
Cauayan City, Isabela- Idineklarang drug-cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang labing-siyam (19) na barangay sa Cagayan.

Kabilang ang mga barangay ng Cabiraoan, Smart, Sta. Clara, Sta. Maria at Tapel sa bayan ng Gonzaga; Centro 1 at Binalan sa Aparri; Barangay Centro Southeast at Lingu sa Solana; Caritan Sur at Centro 4 sa Tuguegarao City; Callao Sur sa Lasam; Centro sa Abulug; Brgy. Cabaritan East ng Ballesteros, Brgy. Mala Weste ng Buguey, Brgy. Centro Norte ng Camalaniugan, Brgy. Centro ng Lal-lo; Brgy. Buyun ng Sta. Teresita, at Brgy. Alibago sa bayan naman ng Enrile.

Nagpasalamat naman si Dir II Christy E Silvan, Assistant Regional Director, PDEA RO2 sa suportang ipinaaabot ng Local Government Units sa kampanya laban sa illegal na droga ng pamahalaan.

Facebook Comments