DOH, nagpaliwanag sa “agnostic policy” ng DILG sa mga lokal na pamahalaan

Nagpaliwanag ang Department of Health (DOH) sa “agnostic policy” na ipinag-utos na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan.

Ayon sa DOH, mayroon namang on-site vaccine education sa bawat tatanggap ng bakuna kaya’t sasabihin din sa kanila kung ano ang ituturok.

Bahagi rin ito ng monitoring ng DOH sa side effects o adverse effects following immunization.


Iginiit din ng DOH na ang lahat ng bakuna na nabigyan ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ay ligtas at mabisa dahil dumaan ito sa masusing pag-aaral ng mga eksperto.

Hinikayat ng DOH ang mga Local Government Unit (LGU) na makiisa sa hangaring huwag na mag-anunsiyo ng brands ng bakunang ibibigay sa publiko upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao sa iilang lugar.

Facebook Comments