DOH, nagtalaga ng bagong PhilHealth OIC

Itinalaga ni Health Secretary Francisco Duque III si PhilHealth Executive Vice President and Chief Operating Officer John Basa bilang officer-in-charge (OIC) ng ahensya.

Pero ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, dahil nasa ibang bansa pa si Basa si Dennis Mas, na senior vice president ng management services sector ng PhilHealth muna ang pansamantalang hahawak sa puwesto.

Una nang napaulat na si Dr. Jaime Cruz ang napipisil ng Pangulo para pumalit kay PhilHealth President Roy Ferrer ngunit hindi pa niya tinatanggap ang posisyon.


Matatandaang nagsumite na ng courtesy resignations ang mga opisyal ng PhilHealth kasunod ng kontrobersiya ng ghost claims.

Facebook Comments