PRRD, tiwala pa rin sa nagbitiw na PhilHealth OIC na si Roy Ferrer

Nasa kamay na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kapalaran ni dating PhilHealth OIC President Roy Ferrer.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, dalawang bagay ang nakikita niyang posibleng kauwian ni Ferrer.

Aniya, posibleng ibalik sa PhilHealth si Ferrer sa kaniyang dating pwesto o italaga sa ibang opisina na ng ahensya o ng gobyerno.


Sinabi naman aniya ng Pangulo na tiwala siya sa integridad ni Ferrer.

Una nang nagsumite si Ferrer ng courtesy resignations sa Pangulo kasunod ng kontrobersiya ng ghost claims.

Facebook Comments