DOH, nakapagtala ng 1,984 na bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,984 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon.

Dahil dito, umakyat na sa 24,192 ang aktibong kaso ng sakit mula sa 23,721 na naitala noong Huwebes.

Sa ngayon, nasa 3,991,441 na ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa habang 3,903,543 na rito ang gumaling na.


Samantala, umakyat din sa 63,706 ang bilang ng nasawi sa virus matapos madagdagan ng 37 kahapon.

Facebook Comments