DOH, nakapagtala ng 274 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon

Nakapagtala kahapon ang Department of Health (DOH) ng 274 na bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

Dahil dito, umakyat na sa 4,083,529 ang kabuuang kaso ng sakit habang 9,603 naman ang aktibong kaso.

Aabot naman sa 4,007,510 ang mga gumaling sa COVID-19 matapos madagdagan ng 232 new recoveries.


Habang, nakapagtala naman ng pitong bagong nasawi kaya naman umabot na sa 66,416 ang total deaths.

Samantala, ang National Capital Region (NCR) ay nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 na nasa 1,072 sa nakalipas na dalawang linggo.

Sumunod ang Davao Region na may 405; Northern Mindanao na may 344; Calabarzon na mayroong 327; at Central Visayas na may 172 cases.

Facebook Comments