Malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo, inaasahang sasalubong sa susunod na linggo

Kapit mga motorista!

Sasalubong ang malakihang taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa pagtaya ng mga taga-industriya ng langis, inaasahang nasa P2.50 hanggang P2.80 ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.


Posibleng P1.80 hanggang P2.10 naman ang price increase sa kerosene habang maglalaro sa P1.50 hanggang P1.80 sa diesel.

Ipapatupad ng mga kumpanya ng langis ang oil price adjustment tuwing araw ng Martes.

Facebook Comments