PICNIC SA TABING ILOG NAUWI SA PAGKAKASAWI NGMAGKAPATID AT ISANG PINSAN SA LA UNION

Patay ang tatlong menor de edad matapos itong malunod sa Balili River brgy. Bimmotobot Naguilian sa La Union.

Dalawa sa biktima ay magkapatid at ang isa ay kanilang pinsan.

Nakilala si Leonica edad 14 at dalawang 17 anyos na si Rona Joy at Ruby Ann na residente ng Brgy. Dagup, Bagulin, La Union.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, kasama ang tatlong biktima at kanilang kaanak ay nagpunta sa ilog upang magpicnic.

Nagpasya ang mga ito na maligo sa ilog ngunit ilang minuto lamang nawala na ang tatlo kung kaya’t agad silang hinanap ng tatay ng dalawang biktima.

Sa paghahanap sa mga biktima napansin na lamang na lumulutang na ang katawan ng mga ito sa ilog na dahilan upang humingi ng tulong sa pulisya.

Agad namang isinugod sa ospital ang tatlo ngunit idineklarang Dead on arrival. | ifmnews

Facebook Comments