DOH, nakapagtala ng 7 na bagong binawian ng buhay sa bansa dahil sa COVID-19

Magandang balita ngayong bisperas ng Pasko dahil patuloy na bumababa ang bilang ng mga namamatay sa bansa sa COVID-19.

Pito lamang ang naitala ngayong araw ng Department of Health (DOH) na mga namatay sa bansa dahil sa virus.

Ang total deaths na ngayon ay 9,055 o 1.94%.


1,776 naman ang bagong kaso kaya ang kabuuang kaso na ng COVID sa bansa ay 465,724.

Ang aktibong kaso naman ay 26,179 o 5.6%.

533 naman ang bagong recoveries kaya ang total recoveries na ay 430,490 o 92.4%.

Nangunguna pa rin ang Quezon City sa may pinakamataas na bagong kaso sumunod ang Davao City, Rizal, Western Samar at Bulacan.

Facebook Comments