DOH, Nakapagtala ng 99 Active Cases sa buong Cagayan Valley

Cauayan City, Isabela- Nakapagtala ng kabuuang 99 na bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 ang Department of Health (DOH) region 2 batay sa pinakahuling datos (Disyembre 9) na kanilang inilabas ngayong araw.

Sa datos ng ahensya, nakapagtala ng 43 active cases ang Santiago City; sinundan ng bayan ng San Mariano na may 10 gayundin ang City of Ilagan, Cabagan, Tumauini,Cauayan City, Angadanan, San Pablo, Cabatuan, Quirino, Echague maging ang coastal town na Palanan at Divilacan.

Mula sa 43 bilang sa Santiago City, 41 dito ay pawang mga tindera, service crew o mga nagtatrabaho sa New Public Market, isang (1) local traveller at isang (1) close contact.


Patuloy naman ang ginagawang contact tracing sa iba pang posibleng nakasalamuha ng mga nagpositibong pasyente.

Samantala, nakapagtala rin ng kumpirmadong kaso ang bayan ng Kasibu, Sta. Fe at Bambang sa Nueva Vizcaya.

Nadagdagan rin ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa Tuguegarao City na pumalo sa 16 habang may nadagdag din sa bayan ng Baggao at Tuao na tig-isa.

Nakapagtala rin dalawang kaso ang bayan ng Diffun sa lalawigan ng Quirino.

Facebook Comments