Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng halos 2,000 aktibong kaso ng COVID-19 sa buong bansa ngayong araw.
Sa inilabas na datos ng DOH, nasa 1,888 ang karagdagang kaso ng virus kaya’t pumalo na sa 26,238 ang kabuuang bilang nito.
Nakapagtala rin ng 20 ang bilang ng nasawi kung saan ang kabuuang bilang nito ay nasa 12,088.
Umabot rin ng 9,737 ang bilang ng nakarekober kaya’t pumalo na sa 522,843 nag total nito habang nasa 561,169 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19.
Nasa 29,084 ang naisalang ng DOH sa pagsusuri at 1,826 sa kanilang ang nagpositibo sa virus.
Base pa sa inilabas na update ng DOH, dalawang laboratoryo ang hindi nakapagpasa ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Facebook Comments