Panibagong 3,561 na mga bagong COVID-19 cases ang naitala ng Department of Health (DOH) partikular sa NCR, Region 4-A at Region 7.
Bunga nito, umaabot na ngayon sa 119,460 ang kabuuang COVID cases sa bansa.
50,473 sa naturang bilang ay active cases.
Nakapagtala naman ang DOH ng 569 na bagong recoveries kaya umaabot na ngayon ang total recoveries sa 66,837.
28 naman ang panibagong binawian ng buhay sa nasabing virus at umaabot na ngayon ang total deaths sa 2,150.
Samantala, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tumataas na naman ang bilang ng mga Pilipino sa abroad na nai-infect ng COVID-19.
Ito ay matapos makapagtala ng 65 na bagong kaso sa hanay ng mga Pinoy sa ibayong-dagat partikular sa Asia and the Pacific, Europe, Middle East at Africa.
Bunga nito, umaabot na sa 9,692 ang bilang ng mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng virus mula sa 72 na mga bansa.
Sa naturang bilang, 3,253 ang active cases habang ang kabuuang bilang ng recoveries ay 5,737.
7 naman ang kababayan natin na panibagong binawian ng buhay sa abroad dahil sa COVID-19 kaya ang total deaths ngayon ay nasa 702 na.