Nakikipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa World Health Organization (WHO) matapos na makapagtala ang Thailand ng una nitong kaso ng “Omicron XE,” isang variant ng COVID-19.
Batay sa DOH, patuloy ang kanilang monitoring para matukoy kung maikakategorya ang “Omicron XE” bilang Omicron sub variant o isang bagong variant.
Tiniyak naman ng DOH katuwang ang Philippine Genome Center (PCG) na mahigpit silang nagbabantay sa case trend at nagsasagawa ng genomic surveillance activities sa gitna ng banta ng COVID-19 variants.
Patuloy ring ipinatutupad ng kagawaran ang four-door strategy para mapigilan ang pagpasok ng variant sa bansa.
Facebook Comments