Listahan ng 300 posibleng areas of concern, isinumite na ng PNP sa COMELEC

101

Naisumite na ng Philippine National Police (PNP) ang listahan ng 300 posibleng “areas of concern” ngayong 2022 elections.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Epimaco Densing III, naantala ang pagpapalabas ng “areas of concern” ng Commission on Elections (COMELEC) dahil masusing biniberipika pa ng poll body ang sitwasyon sa mga lugar na ito.

Nauna nang sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na ang mga “areas of concern” ay isasapubliko nitong March 31.


Batay sa PNP, ang mga lugar na inilagay sa kulay “green” ay itinuturing na “generally peaceful” para sa pagsasagawa ng halalan.

Ang “yellow” areas ay may suspected election-related incidents sa nakalipas na dalawang eleksyon, may posibleng presenya ng armadong grupo, at may matinding political rivalries.

Ang “orange” areas naman ay may naitalang presenya ng armadong grupo gaya ng New People’s Army (NPA) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na maaaring maging hadlang sa eleksyon.



Ang mga lugar na nasa red category ay parehong nakakatugon sa mga parameter ng yellow at orange at Ilalagay rin sila sa ilalim ng COMELEC control.

Facebook Comments