DOH, nangako sa Senado na isusumite na bukas sa COA ang lahat ng mga dokumento sa pagbili ng COVID-19 vaccines

Nangako ang Department of Health (DOH) na isusumite na nila bukas sa Commission on Audit (COA) ang lahat ng mga dokumento at mga kasunduan kaugnay sa pagbili ng gobyerno ng COVID-19 vaccines.

Bago matapos ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon ay hiningi ni Committee Chairman Senator Francis Tolentino ang commitment ni Health OIC Usec. Maria Rosario Vergeire na ibibigay ang buong kontrata sa vaccine procurement kasama pati ang Non-Disclosure Agreement (NDA).

Tugon ni Vergeire, inihahanda na nila ang mga dokumento at nangakong bukas bago magtanghali ay maisusumite na nila ang hinihingi ng COA.


Nauna rito ay inamin ng COA na humiling sa kanila ng special audit ang DOH pero mula 2021 hanggang nitong December 6, hindi naman sila binigyan ng kumpletong dokumento sa vaccine procurement at sa halip ‘redacted’ o edited ang version ang ibinigay na kontrata.

Paliwanag naman dito ni Vergeire, hiningan kasi nila ng panig ang vaccine manufacturers dahil nakasaad sa kanilang kontrata na dapat munang abisuhan at hingan ng permiso ang mga ito kung papayag o hindi na ibahagi ang kanilang kontrata sa audit at sa publiko.

Facebook Comments