Korte Suprema, maglalabas ng year-end report sa mga naresolbang kaso ngayong taon

Kinumpirma ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na mas maraming kaso ang naresolba ngayong taon ng Korte Suprema kumpara sa mga nakalipas na taon.

Ayon kay Gesmundo, mahigit 3,000 kaso ang kanilang nadesisyunan mula nitong Enero hanggang Nobyembre ng taong ito.

Kasama aniya sa mga naresolba ng Supreme Court ay mga resolution, minute resolutions at iba pang kaso.


Tiniyak naman ng punong mahistrado na maglalabas sila ng year-end report nito sa mga susunod na araw.

Facebook Comments