AFP, walang namo-monitor na banta sa seguridad ngayong holiday season

Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wala silang namo-monitor na banta o security threats sa buong bansa ngayong Christmas season.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, mahina na ang pwersa ng mga makakaliwang grupo dahil marami sa mga ito ang nanutralisa na ng tropa militar at ang iba ay nagbalik-loob na sa pamahalaan.

Sinabi pa ni Aguilar na magiging magkatuwang ang AFP at Philippine National Police (PNP) sa pagsasagawa ng security operations ngayong holiday season upang matiyak na magiging payapa at maayos ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.


Una nang sinabi ng pamunuan ng AFP na wala silang ipatutupad na ceasefire sa Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA) ngayong Christmas season.

Facebook Comments