Pinag-iingat ng Department of Health-National Capital Region (DOH-NCR) ang publiko hinggil sa kakainin ng mga ito ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Ayon kay DOH-NCR Regional Director Dr. Gloria Balboa, dapat maghinay-hinay ang mga ito sa mga matataba at mamantikang pagkain na posibleng magdulot ng hypertension, gayundin sa matatamis na pagkain dahil sa banta ng diabetes.
Kadalasan kasi aniyang tumataas ang bilang ng mga tinatamaan ng hypertension at diabetes tuwing holiday season.
Gayunpaman, tiniyak naman ng DOH-NCR na may mga gamot para dito at ito ay libreng ibinibigay sa mga health center.
Facebook Comments