Dating Batangas Vice Gov. Richard Gonzales, pumanaw na

Natagpuang wala nang buhay si dating Batangas Vice Gov. Richard “Rocky” Recto Gonzalez.

Sa inisyal na impormasyon na nakarating sa Kampo Krame, nakatanggap ng tawag ang Pasig City Police mula sa anak nito para tingnan ang sitwasyon ng kanyang ama na hindi makontak sa lahat ng linya ng komunikasyon.

Agad namang tumugon dito ang mga awtoridad at pinuntahan ang tahanan nito sa Valle Verde sa Brgy. Ugong, Pasig City kagabi.


Matapos na pwersahang buksan ang pinto ng master’s bedroom, tumambad sa kanila ang wala nang buhay na katawan ng biktima.

Base pa sa impormasyon, nasa advanced stage of decomposition na ang mga labi ni Gonzales.

Natagpuan ang kanyang mga labi sa lazy boy chair ng master’s bedroom, may unan sa kanyang dibdib at may hawak na pistol sa kanyang kanang kamay.



Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon sa kaso.

(HopeLine Landline:
(02) 8804-4673
Globe:
0917-5584673
Smart:
0918-8784673)

Facebook Comments