TESDA courses sa food preparation, nasa mobile app na

Inanunsyo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na mayroon na silang online courses na makatutulong sa mga Pinoy sa paghahanda ng mga pagkain ngayong holiday season.

Ayon sa TESDA Deputy Director General Aniceto D. Bertiz, ito ay sa pamamagitan ng mobile application para sa online courses na accessible TESDA Online Program (TOP) sa e-tesda.gov.ph.

Aniya, kalaunan ay magagamit din ng publiko ang kanilang matututunan sa pagnenegosyo.


Kabilang sa food courses na ito ay Bread and Pastry Production NC II, Cookery NC II, Food and Beverages NC II, at Food Processing NC II na maaaring magamit ngayong Christmas season.

Sa ngayon, mayroon na ang TESDA ng 150 kurso na may kaugnayan sa agriculture, construction, automotive and land transport, human health o health care, tourism at iba pa.

Facebook Comments