DOH, nilinaw na wala pang target date para sa COVID-19 inoculation ng mga batang edad 5-11

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na wala pang target date para sa vaccination ng mga edad lima hanggang 11.

 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, hinihintay pa nila ang inaprubahang amendment ng Emergency Used Authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration (FDA).

 

Aniya, kailangan din ng karagdagang ebidensya bago maglabas ng EUA ang FDA.


 

Giit pa ni Vergeire, habang wala pang EUA ay kailangang mag-focus muna ang pamahalaan sa pagbabakuna sa mga vulnerable group.

 

Nabatid na aabot sa 13.5 milyon mga kabataang edad lima hanggang 11 ang target na mababakunahan sa bansa kapag ito ay nagsimula na.

Facebook Comments