Muling nanawagan ang National Task Force against COVID-19 (NTF) at Department of Health (DOH) sa lahat na sundin ang prioritization framework para sa COVID-19 vaccination program.
Sa statement, sinabi ng dalawang ahensya na ang mga kasalukuyang supply ng bakuna ay dapat ibigay sa health workers dahil sila ang may mataas na exposure sa virus.
Dapat hintayin ng publiko ang kanilang panahon kung kailan sila maaaring magpabakuna.
Ang mga ulat na may ilang indibiduwal na nagpabakuna na kahit hindi pa sila ang nakasalang sa listahan ay ipapaubaya na ng DOH sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Nagsusumikap ang pamahalaan na makakuha ng sapat na bakuna para sa buong populasyon.
Facebook Comments