HIGIT 3 MILYONG HALAGA NG MARIJUANA, NAKUMPISKA SA KALINGA

18
Nasa 3.5 milyon ang kabuoang halaga ng marijuana ang nakumpiska at sinira ng mga awtoridad sa hiwalay na marijuana eradication sa Kalinga.

Naka diskubre ang 1st PMFC Benguet Police Provincial Office ng 1.2 million halaga ng marijuana stalks sa Sitio Dalipey, Tacadang, Kibungan, Benguet kahapon, Hulyo 21, 2022.

Samantala, umabot naman sa dalawang milyon na halaga rin ng marijuana plants ang nakumpiska sa Buscalanm Tinglayan, Kalinga kasunod ng isinagawang dalawang araw na operasyon.

Nadiskubre ang 10,000 piraso ng fully grown marijuana plants mula sa tatlong plantasyon sa nasabing lugar.

Nabigo naman na madakip ang mga nagtanim or nag mamay-ari sa mga marijuana matapos walang maabutan ang mga awtoridad sa nasabing liblib na lugar.

Ang isinagawang operasyon ay inilunsad ng pinagsamang pwersa ng PDEU, KPPO, PDEA Kalinga, Tinglayan MPS, Balbalan MPS, 2nd KPMFG, RID PROCOR at Naval Forces Northern Luzon.

Facebook Comments