DOH, pabor sa pagsama sa priority list ng bakuna ng pamilya ng medical frontliners at mga sundalo

Bukas ang Department of Health (DOH) sa mungkahi ng Pangulo na isama sa priority list ng mabibigyan ng COVID-19 vaccine ang pamilya ng healthcare workers at mga sundalo.

Gayunman, sinabi ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na ito ay pagkatapos pang mabakunahan ng medical frontliners at ng mga sundalo.

Partikular aniyang miyembro ng mga frontliners na babakunahan ang mga senior citizen at indigent.


Patuloy rin aniya ang pagsisikap ng pamahalaan para makakuha ng mas maraming doses ng COVID-19 vaccines upang mas maraming Filipino ang mabakunahan.

Facebook Comments