Thursday, March 5, 2026

DOH, pinayuhan ang publiko na alagaan ang kanilang mga puso kasabay ng pagdiriwang ng Valentine’s Day ngayong buwan ng Pebrero

Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko na alagaan ang mga puso kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng mga Puso ngayong buwan ng Pebrero.

Ayon sa DOH para sa mga umiinom na ng maintenance ay mahalagang tuloy-tuloy ang pag-inom ng kanilang gamot.

Ito’y para maiwasan ang paglala ng kondisyon gaya ng hypertension at diabetes na maaring mauwi sa sakit sa puso.

Kung kaya, dapat umanong regular na uminom mg iniresetang maintenance medicine.

Payo pa ng ahensya, alamin sa DOH drug price website kung saan maaring makabili ng gamot sa pinakamababang presyo.

Facebook Comments