Bubuo ng National Nursing Advisory Council (NNAC) si Department of Health Secretary Ted Herbosa, na siyang tututok sa mga problemang kinahaharap ng mga nurse sa bansa.
Ayon kay Herbosa, sobrang daming problema ang kinahaharap nang sektor ng mga nurse mula sa pasahod, isyu sa migration, board passers at pamimirita ng mga nurse.
Kapag nabuo ang konseho ay pamumunuan ito ng isang Chief Nursing Officer na undersecretary level, at kabibilangan ng mga public at private officers.
Maglalabas aniya siya ng Administrative Order sa mga susunod na buwan, dahil sasailalim pa ito sa proseso at pag-aaral.
Samantala, sa kasalukuyan ay nasa 70 bansa na sa buong mundo ang mayroong sariling Chief Nursing Officer.
Inihayag ni Herbosa na inirekomenda sa kaniya ng World Health Organization (WHO) na magtalaga ng Chief Officer, pero higit pa aniya rito ang gusto niyang gawin.