Naalarma ngayon ang Department of Health Region 5 kaugnay ng pagtaas ng mga kaso ng tigdas sa kabikolan.
Anim katao na ang namatay sa mga probinsiya ng Albay at Camarines Norte.
Ayon sa pahayag ni Dr. Rita Mae Ang-Bon, family cluster head ng DOH-Bicol, umaabot na sa 239 na mga kaso ng tigdas ang kanilang naitala simula January 1 hanggang September 29 ngayong taon. “Mataas ito kung ikumapara sa nakalipas na taong 2017 kung saan umaabot lamang sa 61 ang naitala ng DOH sa kaparehas na panahon.
Ayon pa sa record ng DOH Region 5, may 12 cases sa Albay, 63 sa Camarines Norte, 69 sa Camarines Sur, 3 sa Catanduanes at 12 sa provinsiya ng Sorsogon.
Sinabi naman ni Ms. Dolly Cudiamat, nurse ng Ligao City sa Albay, nagsasagawa ngayon ng libre at simultaneous school-based measles, mumps and rubella vaccination ang mga health workers
Sa totoo lang ang tigdas ay vaccine-preventable disease, kaya dapat sana walang nagkakasakit o namamatay dahil sa sakit na ito dahil pwede ito maiwasan sa pamamagitan ng pagpapa-inject ng vaccine” pahayag naman ni Dr. Isaiah Mancilla, medical officer III ng DOH – Bicol, na nakakaalarma na ang mga kaso ng tigdas sa Bicol region.
Binigyang-diin pa ni Mancilla na hinbdi dapat magdalawang-isip ang mga magulang na pumunta sa mga health centers para pabakunahan ang kanilang mga anak para maprotektahan sila mula sa mga vaciine preventable disease.
DOH-Region 5 – Tigdas Nakakaalarma Ngayon sa Kabikolan
Facebook Comments