Sa pagdinig ng Senado ay inakusahan ng nagbitiw na Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) Anti-Fraud Officer Atty. Thorrsson Montes Keith si Health Secretary Francisco Duque bilang “godfather” ng mafia o sindikato sa PhilHealth.
Paliwanag ni Atty. Keith, bilang Health Secretary at Chairman ng board ng PhilHealth ay may kinalaman si Duque sa mga iregularidad sa ahensya tulad ng kontrobersyal na pagpapatupad ng Interim Reimbursement Mechanism o IRM.
Sabi pa ni Keith, si Duque rin ang nag-apruba sa appointment ng mga miyembro ng mafia sa PhilHealth.
Mariin naman itong itinanggi ni Secretary Duque at iginiit na ang nasabing alegasyon ay malisyoso at walang basehan.
Facebook Comments