Tiniyak ng Department of Health (DOH) na pinakikinggan nila ang hinaing ng mga frontline medical workers na patuloy na lumalaban sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na idudulog niya sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang panawagan ng mga doktor na magkaroon muna ng “time-out” kahit saglit para makapag-pahinga dahil sa pagtaas ng bilang ng positibo sa virus sa National Capital Region (NCR).
Kasunod nito, pag-aaralan din ng ahensya na magkaroon ng pagbabago sa gameplan na ipinatutupad para na rin mas magkaroon ng mas komprehensibong pagpapatupad ng mga localized lockdowns sa pakikipag-tulungan ng National Task Force against COVID-19.
Sa huli, nagpasalamat ang kalihim sa walang sawang sakripisyo ng mga healthcare workers at naniniwala aniya siya na makakaya natin na matalo ang kinakaharap ngayong pandemya.