Hindi pa nakikita sa ngayon ng Department of Health (DOH) para irekomenda ang pagtataas ng community quarantine classifications sa bansa sa harap ng bagong United Kingdom (UK) variant na nakapasok sa Pilipinas.
Sa laging handa public briefing, sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na nananatiling nakabase ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa datos.
Ibig sabihin, nakabase ang pagbabago ng quarantine classifications sa daily average attack rates, 2 weeks growth rate at health care capacity system.
Sa ngayon aniya ay wala pa namang indikasyon na kailangang magbago ang umiiral na quarantine classifications.
Facebook Comments