Magkapatid, arestado matapos makuhaan ng mahigit P700,000 halaga ng shabu sa Lucena

223

Huli ang magkapatid na babae matapos makuhaan ng 27 na sachets ng shabu o 38 gramo na may halagang P700,000 sa ikinasang buy-bust operation sa Purok Santol 2, Brgy. Mayao Crossing, Lucena City.

Ayon kay Quezon Police Provincial Office Officer-in-Charge Police Col. Ericsom Dilag, ang naarestong magkapatid ay kinilalang sina Gloria de Chavez, 61, isang byuda at kapatid nitong si Zenaida de Chavez, 60, kapwa residente ng Purok Santol 2, Brgy. Mayao Crossing, Lucena City.


Sa pag-iimbestiga ay natukoy na ang dalawa ay dati ng may kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Nahuli ang magkapatid matapos na magpanggap na buyer ang isa sa mga pulis.

Sa ngayon, nakakulong na ang magkapatid sa Lucena City Police Station at nahaharap na sa kaso.

Facebook Comments