DOH, target maisama ang lahat ng healthcare workers sa COVID-19 vaccine masterlist sa March 31

Target ng Department of Health (DOH) na maisama ang lahat ng healthcare workers sa vaccination master list sa katapusan ng buwan.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, binigyan nila ng hanggang March 31 ang implementing units para tukuyin ang lahat ng healthcare workers.

“We also have called on all healthcare professional societies, dental associations, midwife associations, at iba pa po na kayo po ay magpalista na sa local governments para mabakunahan na natin ang inyong mga miyembro at ma-exhaust natin ang ating mga health worker,” sabi ni Vergeire.


Nasa 1.8 million healthcare workers, 9 million senior citizens, at 14.5 million persons with comorbidities ang bumubuo sa top three priority groups para sa vaccination.

Facebook Comments