DOH, tiniyak ang ayuda sa mga apektadong residente sa ECQ areas

Tiniyak ng Department of Health (DOH) na may darating na tulong sa mga pamilyang maaapektuhan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Metro Manila.

Sabi ni Health Secretary Francisco Duque III, hindi naman ilalagay ang isang lugar sa mahigpit na quarantine classification kung walang social amelioration na ipapamahagi sa mga pamilya at indibidwal.

Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nasa 17.9 million na pamilya ang nakatanggap ng first tranche ng Social Amelioration Program (SAP), katumbas ng ₱99.9 billion.


Nasa 14 milyong pamilya naman ang nakinabang sa second tranche ng SAP.

Facebook Comments