DOH, umapela na agad humingi ng medical help sakaling mabiktima ng paputok

Manila, Philippines – Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na agad humingi ng tulong medikal sakaling masugatan dahil sa paggamit ng paputok.

Ito ay upang maiwasan ang tetanus infection.

Ayon kay Health Undersecretary Rolando Enrique Domingo – hindi dapat binabalewala ang mga sugat maski maliit lamang ito.


Aniya, ang mga burn at blast injuries ay mataas ang posibilidad na magkaroon ng tetanus, kaya tinuturukan agad ng anti-tetanus sa mga ospital.

Sa ngayon, ang ‘boga’ ang nangungunang dahilan ng firecracker injuries, kasunod nag kwitis, triangle, piccolo, five star, baby rocket, bawang, camara at luces.

Facebook Comments