Mga Pinoy, dapat tularan si Jose Rizal – VP Robredo

Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga Pilipino na maging magiting sa paglaban ng kalayaan ng bansa.

Ito ay kasabay ng ika-122 taong anibersaryo ng kamatayan ni Gat. Jose Rizal kahapon, December 30.

Ayon kay Robredo – kung nais ng mga Pilipino na magkaroon ng pagbabago, dahil simulan ito sa sarili nila.


Nararapat aniyang tularan si Rizal, na namatay habang ipinaglalaban ang dignidad ng kanyang kababayan.

Facebook Comments