Doh – Umapela Sa Mga Lgu Na Magpatupad Ng “No Firecracker Zone” Ngayong Kapaskuhan

17

MANILA -11 days beforeChristmas, hinikayat ngayon ng Department of Health ang mga lokal na pamamahalan na magpatupad ng “no firecracker zone.”Ito ay para walang madamay pa na mga dumadaan na tao sa mga lugar na nagsasagawa ng pagpapaputok sa pagdiriwang ng Pasko at bagong taon.Ayon ng DOH – gaya ng taunan nilang kampanya na oplan iwas-paputok ay mas maiging gumamit na lamang sila ng torotot o ibang uri ng mga pampaingay.Dagdag pa nila na kung sakaling hindi maiwasan ay maaaring mag-organisa sila ng community fireworks display para sa maiwasan ang pagkakaaksidente sa pagsalubong ng bagong taon.

Facebook Comments