Hindi pa rin inaalis ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na tumaas ang kaso ng COVID-19, isang linggo pagkatapos ng eleksyon.
Paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bukod sa naglalabasang mga bagong subvariant ng Omicron, humihina rin ang proteksyong ibinibigay ng bakuna laban sa virus.
Pero ayon kay Vergeire, wala pa silang nakikita na pagtaas sa hospital admission sa buong bansa.
Sa ngayon, wala pa sa 20% ang bilang ng mga nao-ospital sa buong bansa dahil sa COVID-19.
Facebook Comments