DOJ, hindi magbibitiw sa paghawak sa kaso ng pagpatay kay Kian – Ombudsman, walang hurisdiksyon

Manila, Philippines – Iginiit ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na walang jurisdiction ang Office of the Ombudsman sa kaso ng pagpatay sa Grade 11 student na si Kian Loyd Delos Santos.

Ayon kay Aguirre , ang maaari lamang dinggin ng Ombudsman ay mga kaso laban sa public officials na may salary grade 27 pataas na nasa hurisdiksyon ng Sandiganbayan.

Sa kaso aniya ng pagpatay kay Kian ay mga pulis na may mababang salary grades ang respondents at ang may jurisdiction nito ay ang Regional Trial Court at hindi ang Sandiganbayan.


Una nang hiniling kahapon ni running priest Fr. Robert Reyes at ng grupo ng mga estudyante na ilipat sa Ombudsman ang pagdinig sa kaso ng pagpatay kay Kian.

Samantala , kahapon ay tinanggap na ng DOJ ang aplikasyon ng mga magulang ni Kian para sa pagsasailalim sa kanila sa Witness Protection Program.

Facebook Comments