DOJ, kinumpirmang papasok na ang NBI sa imbestigasyon sa sinasabing harassment sa mga estudyante ng Philippine High School for the Arts

Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na tutulong sila at ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon sa sinasabing harassment sa mga dati at kasalukuyang estudyante ng Philippine High School for the Arts sa Los BaƱos, Laguna.

Ayon kay Justice Sec. Crispin Remulla, tutulong ang NBI sa imbestigasyon kaugnay ng sexual, verbal, at emotional abuse na kinasasangkutan ng mga guro at staff ng eskwelahan.

Una nang hiniling ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang pagpasok ng NBI sa imbestigasyon.


Ang naturang eskandalo ay umani na rin ng batikos mula sa ibaā€™t ibang sektor.

Facebook Comments