DOJ, kumambyo sa pagpapalabas ng paninagong release order kay John Paul Solano

Manila, Philippines – Hindi na magpapalabas ang Department of Justice ng panibagong release order para sa paglaya ni hazing suspect John Paul Solano.

Ayon kay Senior Deputy State Prosecutor Richard Anthony Fadullon, wala kasing argumento na nakasaad sa reklamo ng Manila Police District hinggil sa obstruction of justice.

Ayon pa kay Fadullon, nagkausap na rin sila ng mga opisyal ng Homicide section ng MPD at naipaliwanag na ito sa kanila.


Kahapon, naudlot ang paglaya ni Solano dahil walang release order para sa reklamong obstruction of justice.

Facebook Comments