DOJ, magkakasa ng sariling imbestigasyon sa mga nasawi sa war on drugs

Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na magsasagawa sila ng sariling imbestigasyon hinggil sa serye ng pagpatay sa war on drugs campaign ng nagdaang administrasyon.

Ito ang iginiit ni Remulla matapos ang usapan sa pagitan ng European Parliament Subcommittee on Human Rights na matatagalan pa para maparusahan ang mga nasa likod ng pagpatay sa kasalukuyang usad ng imbestigasyon.

Nauna nang siniguro ni Hannah Neumann, vice chairperson ng subcommittee na masisiguro ng suporta ng International Criminal Court (ICC) ang maayos na imbestigasyon para sa nasa 6,000 insidente ng pagpatay sa drug war campaign.


Dagdag pa ni Neumann, ang pakikibahagi ng ICC ay makatutulong sa pamilya ng mga biktima at witnesses na magkaroon ng kumpiyansa na hindi sila makararanas ng anumang harassment at pananakot.

Noong Enero ay pinayagan na ng ICC ang muling pagbubukas ng imbestigasyon sa war on drugs ng Duterte administration.

Matatandaan na noong 2018 ay inalis ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Pilipinas sa Hague-based tribunal’s Rome Statute, na umepekto naman noong 2019, matapos pagsisimula ng ICC sa preliminary probe sa mga alegasyon ng state-sanctioned killing kaugnay ng war on drugs.

Sinabi rin ng Pilipinas sa ICC na wala itong hurisdiksyon sa bansa para magsagawa ng imbestigasyon.

Facebook Comments