MANILA – Kasunod ng pagsasampa ng kaso, naglabas na rin ang Department of Justice (DOJ) ng lookout bulletin order laban sa mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa umano’y 50-million extortion controversy sa gaming tycoon na si Jack Lam.Kaugnay nito, ipinag-utos ni DOJ Sec. Vitaliano Aguirre sa immigration officers na ipagbigay-alam sa kanila at sa National Bureau of Investigation ang tangkang paglabas sa bansa nina BI Deputy Commissioners Al Argosino at Michael RoblesGayundin sina former BI Intelligence Officials Charles Calima at Edward Chan at si retired police official Wally Sombero.Matatandaang nakuhanan ng video ang umano’y pagtanggap nina Argosino at Robles ng 50-milyong pisong suhol mula kay Sombero, na tumayong middleman ni Lam.Una nang itinanggi ng dalawang opisyal ang alegasyon at sinabing kaya tinanggap ang pera ay para gawing ebidensya laban kay Sombero.Samantala, nagsasagawa na ng magkakahiwalay na imbestigasyon ang nbi, Parañaque City Prosecutor’s Office at si BI Commissioner Jaime Morente kaugnay sa isyu.
Doj, Naglabas Na Ng Look Out Bulletin Order Laban Sa Dalawang Immigration Officials Na Sangkot Sa Extortion Controversy
Facebook Comments