DOJ – nagpalabas ng immigration lookout bulletin order laban sa mga may-ari ng isang kompanya ng sigarilyo

Manila, Philippines – Nagpalabas na ng immigration lookout bulletin order ang Department of Justice laban sa Presidente ng Mighty Corporation na si Alex Wongchuking at kapatid nito na si Caesar Wongchuking.
 
Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre – inilabas ang lookout order matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdakip sa Presidente ng dahil sa pamemeke nito ng tax stamps sa mga ibinebentang sigarilyo.
 
Nabatid na hindi pa maaaring maaresto si wongchuking dahil wala pang kaso nakahain laban dito.
 
Noong Martes, nakipag-usap na si Alex Wongchuking at kaniyang abogado kay Sec. Aguirre para ihayag ang kahandaan na makipagtulungan sa imbestigasyon ng pamahalaan.
 
Huwebes naman ng umaga nang umugong ang mga balita na ang magkapatid na Wongchuking ay lalabas ng bansa.

RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila



Facebook Comments