DOJ, naka-abang sa resulta ng full marine inquiry ng PCG at MARINA kaugnay ng Recto Bank incident

Hinihintay ng Department of Justice (DOJ) ang resulta ng imbestigasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority o MARINA kaugnay ng sinasabing pagbangga ng Chinese vessel sa fishing boat ng mga Pilipinong mangingisda sa Recto Bank.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, pagbabasehan  nila ang resulta ng full marine inquiry sa kanilang susunod na magiging legal na hakbang.

Una nang inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na natapos na nila ang pagkuha ng mga statement mula sa mga mangingisdang sakay ng F/B Gem-Ver 1.


Gayunman, hindi pa masabi ng PCG kung kailan ilalabas ang resulta ng imbestigasyon, bagamat halos patapos na ang PCG-MARINA sa pagsasapinal sa pagsisiyasat.

Una na ring lumutang ang mungkahing joint maritime inquiry sa pagitan ng Pilipinas at China.

Facebook Comments