DOJ, nilinaw na nagboluntaryo si DOTr Secretary Arthur Tugade sa pagsusumite sa task force ng SALN ng lahat ng transportation officials

Nilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra na sariling inisyatiba ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang pagsusumite ng Department of Transporation (DOTr) ng kanilang Statement of Assets Liabilities and Net worth (SALN) sa DOJ-led Task Force Against Corruption.

Sa harap ito ng pinalawak na imbestigasyon ng task force laban sa mga katiwalian sa mga ahensya ng pamahalaan.

Ayon kay Secretary Guevarra, binanggit mismo sa kanya ni Tugade ang boluntaryong pagsusumite ng DOTr officials ng SALN nang magkaharap sila sa isang pagpupulong kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.


Tiniyak naman ni Secretary Guevarra na gagamitin nila ang SALN sa pagdetermina kung magtutugma ba ang assets ng transportation officials sa kanilang sweldo sa gobyerno.

Nilinaw naman ng Department of Justice (DOJ) na hindi nila inoobliga ang mga ahensya ng gobyerno na magsumite ng kanilang SALN sa Task Force Against Corruption.

Facebook Comments